Isa akong empleyado ng gobyerno na tapat sa pangongotong at pangungurakot sa kaban ng bayan. Ang mga larawan na makikita at babasahin dito ay hindi katang isip kundi pawang katotohanan lamang. Iniimbitahan ko kayong lahat na sumali sa aking krusada kontra kalinisan at kaunlaran ng bayan. Maari po lamang i email sa akin ang larawan ng mga kasama kong taos pusong nanunungkulan. Kung kayo po’y meron nakitang anomalya sa inyong paligid, wag magatubiling “pictyuran” at i email sa koorakot@gmail.com.
Dapat po nating parangalan ng tama ang mga katulad kong tao. Hindi po madaling magnakaw. Marami din talaga kaming naghahati-hati at gumagastos ng legal fees. Katunayan po nyan eh maski madalas kaming nananalo sa husgado, ang precious time namin ang nasasayang. Imbes na sa next road project napupunta ang energy namin, sa abogado at mga huwes napupunta ang halos kalahati ng aming ninakaw… tama ba naman yan, nasan ang hustisya!
Eto ang mga kategorya ng isang mabuting tao (gaya ko) sa gobyerno:
1.) Kung ang kapitbahay ninyo ay taga BIR, CUSTOMS, DPWH, PNP, SSS, GSIS, CIS sama mo na lahat ng may s at etc…etc…, at merong malaking bahay, pang-isang linggong kotse, malaki tyan, masungit ang asawa, tarantado ang anak, seksi ang katulong, may lahi ang mga aso(hindi askal), malinis manamit pero madumi kuko (dahil sa kabibilang ng pera o tong sa jueteng), medyo kuba na (dahil sa dami ng mamahaling kwintas galing damascus) at lawlaw ang pantalon(dahil sabi ko nga malaki tyan di ba!).
2.) Mga proyekto ng mga kawani ng gobyerno na sa tingin ninyo ay nagkakahalaga ng milyon-milyong piso(Aba! bat sila lang ang nagsasaya, nasan ang parte ko dyan)
3.) Asawa o anak ng ating kawalang galang-galang na pangulo
4.) Asawas o anak ni erap “para sa mahirap” estarantada
5.) At huli pero di pahuhuli…mga kamag anak ng ating lolo at idolo sa kurapsyon, walang iba kundi ang mga Marcos.
So, ano pa ang hinihintay natin. Litratuhan na ang mga kotse at bahay ng mga kapatid ko sa gobyerno at hayaan ninyo na hindi natin sila kakalimutang parangalan dito sa aking blog